Extortion group, hindi BIFF ang may pakana sa Bukidnon bus bombing
MANILA, Philippines - Hindi mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng pambobomba sa isang bus sa bukidnon, ayon sa mga awtoridad.
Isang malaking extortion group ang sinasabing nasa likod ng pag-atake na ikinasawi ng 10 katao, karamihan ay mga estudyante ng Central Mindanao University.
Hinala ng nga awtoridad ang grupong Al-Khobar ang may pakana ng panggugulo na ikinasugat din ng 20 katao.
Ang naturang grupo ang nasa likod ng 20 bus bombings sa Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato at South Cotabato mula 2003 hanggang 2013.
Isang source na ayaw magpakilala ang nagsabing limitado rin ang operasyon ng BIFF sa Bukidnon.
“Even before the BIFF emerged in 2010, the Al-Khobar was already operating with impunity in many areas in Central Mindanao and some of its members charged with criminal offenses in connection with the group’s activity are Visayans,” wika ng opisyal.
Pinabulaanan na ng tagapagsalita ng BIFF na si Abu Misry na sila ang nagpasabig ng bus.
“Most of our men are facing various cases in different courts, mostly trumped up charges, so how can they go out of the towns where we operate? We have become the convenient `whipping boy’ for all atrocities that we didn’t get involved with."
- Latest




















