Mag-asawang magsasaka, itinumba
MANILA, Philippines - Napaslang ang mag-asawang magsasaka habang nakaligtas naman ang 12-anyos na anak na lalaki matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Calbayog City, Northern Samar kamakalawa. Kinilala ang mag-asawa na sina Elmer Candido, 39; at Rhea Candido, 32, kapwa naninirahan sa Barangay Capoocan sa nasabing lungsod. Sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, pauwi na ang mag-asawa mula sa kanilang bukirin nang harangin at pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa liblib na bahagi ng Brgy. Cataransan. May ilang metro ang layo ng mag-asawa sa kanilang anak na kasunod na naglalakad kaya nagawang makatakbo at makaligtas ang bata.
- Latest




















