^

Probinsiya

Municipal councilor itinumba

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Pinaslang matapos pagbabarilin ng mga armadong salarin ang isang municipal councilor ng bayan ng Tanza, Cavite, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Jonnel Estomo ang biktima na si Wilfredo Nunes, 56 anyos, residente ng Brgy. Daang Amaya, Tanza.

Bandang alas-6 ng umaga nitong Sabado ng madiskubre ang bangkay ng biktima na duguang nakahandusay na may tama ng bala sa ulo at dibdib may  20 metro ang layo sa rest house nito sa Chatue Subdivision, Brgy. Julugan 8 ng nasabing munisipalidad.

Sa inisyal na imbestigas­yon, dakong alas-8 ng gabi nitong Biyernes ng makita pa ng mga residente ang biktima na nagtungo sa kaniyang resthouse.

Gayunman, kahapon ng madaling araw ay nagulantang na lamang ang mga ito sa narinig na mga putok ng baril mula sa lugar na kinatagpuan sa bangkay ng biktima. Sa follow-up investigation ay natukoy naman ang isa sa mga suspek na si Romeo Guibao alyas Romy.

vuukle comment

BRGY

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE

CHATUE SUBDIVISION

DAANG AMAYA

DIRECTOR P

JONNEL ESTOMO

ROMEO GUIBAO

SR. SUPT

TANZA

WILFREDO NUNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with