^

Probinsiya

Manager ng international NGO patay sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang fleet mana­ger ng isang international Non Government Organization (NGO) matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang riding in tandem na mga armadong salarin sa naganap na ambush sa Estancia, Iloilo kamaka­lawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Andrew Gil Peñafrancia, 24 anyos, nagtamo ng limang tama ng cal. 45 pistol, dalawa rito ay sa kaniyang likod, isa sa braso, kanang pisngi at isa sa ulo.

Sa ulat ni Sr. Inspector Lorenez Losaria, hepe ng Estancia Police, naganap ang insidente bandang alas -5 ng hapon sa harapan ng  boarding house ng biktima sa Brgy. Cano-an ng bayang ito.

Ayon sa imbestigasyon, lulan ng kaniyang motorsiklo ang biktima  na kararating lamang sa gate ng kaniyang boarding house nang  pagbabarilin ng riding in tandem na sumusunod dito bunsod upang mahulog ito sa motorsiklo.

Pagbagsak sa kalsada ay nilapitan pa ang biktima ng mga salarin at muling pinagbabaril upang tiyakin na hindi na ito mabubuhay pa. Naisugod pa sa Jesus Colmenares Memorial District Hospital ang biktima pero hindi na naisalba ang buhay nito.

Nabatid na ang biktima ay bagong promote na Fleet Manager ng Action Against Hunger/ACF International, isang  pandaigdigang humanitarian organization na sumasagip sa mga  batang nagugutom.

Samantalang kabilang naman sa motibo ng krimen na sinisilip ng mga awtoridad sa kasong ito ay ang posibilidad na may kinalaman ito sa trabaho ng biktima.

ACTION AGAINST HUNGER

ANDREW GIL PE

BIKTIMA

ESTANCIA POLICE

FLEET MANAGER

JESUS COLMENARES MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL

NON GOVERNMENT ORGANIZATION

SR. INSPECTOR LORENEZ LOSARIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with