^

Probinsiya

Magpinsan niratrat sa peryahan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Napatay ang 25-anyos na lalaki habang kritikal naman ang pinsan nito makaraang pagbabarilin ng mga senglot na kalalakihan na kanilang nakaalitan sa peryahan kamakalawa ng gabi sa Barangay Maguyam, bayan ng Silang, Cavite. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Bernard Reymundo habang malubha naman si Edwin Reymundo, 26, kapwa nakatira sa Barangay San Gabriel, bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite. Sa imbestigasyon ni P03 Jose Ilano, paalis na sa peryahan ang magpinsan nang harangin at komprontahin ng apat na kalalakihan na kanilang nakaalitan hanggang sa umabot sa pamamaril. Napag-alamang mga lango sa alak ang gunmen at ang magpinsan nang mag-away sa peryahan bago maganap ang pamamaslang.

vuukle comment

BARANGAY MAGUYAM

BARANGAY SAN GABRIEL

BERNARD REYMUNDO

CAVITE

EDWIN REYMUNDO

GENERAL MARIANO ALVAREZ

JOSE ILANO

KINILALA

NAPAG

NAPATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with