^

Probinsiya

Mister todas sa onsehan

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines – Pinabulagta ang 41-anyos na jeepney driver makaraang tambangan ng mga armadong lalaki malapit sa sementeryo sa Olongapo City, Zambales kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Sandy “Yoyoy” Labo ng #2698 Rizal Avenue sa Barangay East Bajac-Bajac. Sa police report na isinumite kay P/Senior Insp. Ramon Fernandez, hepe ng PNP Station 5, naganap ang pananambang bandang alas-7 ng gabi sa basinidad ng Del Rosario St.  sa Olongapo Memorial Park sa Barangay Tabacuhan. Bago naganap ang krimen, sinundo ng isang alyas Lati ang biktima saka sumakay sa traysikel patungo sa nasabing barangay. Pagbaba ng biktima sa traysikel ay kaagad na pinagbabaril ng mga armadong lalaki. Pinaniniwalaang onsehan sa bentahan ng bawal na droga ang isa sa motibo sa pagpatay sa biktima.

BARANGAY EAST BAJAC-BAJAC

BARANGAY TABACUHAN

DEL ROSARIO ST.

LABO

NAPURUHAN

OLONGAPO CITY

OLONGAPO MEMORIAL PARK

RAMON FERNANDEZ

RIZAL AVENUE

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with