^

Probinsiya

5 sugatan sa pamamaril ng pulis

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines -Lima-katao ang nasugatan makaraang mabaril ng isang pulis na sinasabing nagtangkang umawat sa kaguluhan sa Barangay San Isidro, Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi.

Naisugod naman sa Amang Rodriguez Hospital ang mga biktimang sina Elbert Ambos, 23; Enrique Ambos, 38; Elizalde Ambos, 34; Yolanda Sison, 47; at si Rea Madula, 34, mga nakatira sa Siete Media Subd. sa nasabing lungsod. Arestado naman ang pulis na si PO1 Mark Anthony Madula, 28, nakatalaga sa Regional Public Safety Batallion ng Antipolo City PNP.
Sa imbestigasyon nina PO3 Michael dela Peña at PO3 Elvis Marikina, naganap ang insidente sa M. de Guzman St. at Circumferential Road na sinasabing nag-aaway sina Angelito Adja at Gina Concepcion.

Tinangkang awatin ng suspek subalit napagkamalan ng isa sa nabaril na si Elbert na si PO1 Madula ang kaaway ng dalawa.
Gayon pa man, aagawin sana ni Elbert ang baril ni PO1 Madula kaya nauwi sa pambubuno ng dalawa. Dito na nagpaputok nang sunud-sunod si PO1 Madula kaya tinamaan ang mga biktima.

 

 

 

 

                                                                                                                                                                                                                                           

AMANG RODRIGUEZ HOSPITAL

ANGELITO ADJA

ANTIPOLO CITY

BARANGAY SAN ISIDRO

CIRCUMFERENTIAL ROAD

ELBERT

ELBERT AMBOS

ELIZALDE AMBOS

MADULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with