Gasolinahan hinoldap
BULACAN, Philippines – Isang kilalang gasolinahan sa Brgy. Graceville, San Jose Del Monte City, Bulacan ang hinoldap ng tatlong kalalakihan na tinangay ang baril ng sekyu at kinitang pera rito kamakalawa ng madaling araw.
Dumulog sa himpilan ng pulisya upang magreklamo ang mga biktimang sina Godofredo Hego 49, security guard, residente ng Brgy. Tungkong Mangga sa naturang lugar at hindi pinangalanang lalaking cashier na kapwa nakatalaga sa Petron gas station sa Brgy. Graceville.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Enrique Bolina dakong ala-1:50 ng madaling araw ay hinoldap ng tatlong armadong lalaki ang nasabing gasolinahan.
Wala namang nagawa ang sekyu rito matapos na tutukan ng baril ng mga suspek at tinangay din ang hindi pa mabatid na halaga ng perang kinita ng Petron gas station. Iniimbestigahan pa ang kasong ito. (Boy Cruz)
- Latest