^

Probinsiya

Bangka lumubog: 13 katao nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labingtatlo katao ang na­iligtas makaraang aksidenteng lumubog ang isang pampasaherong bangka  na binalya ng malalakas na alon sa pagitan ng karagatan ng bayan ng Monreal at San Jacinto, Masbate, kama­kalawa.

Ayon kay Chief Inspector Renato Ramos, Chief ng Police Community Relations Branch ng Masbate Police naganap ang insidente sa pagitan  ng karagatan ng Brgy. Togoron, Pilar at Brgy.Guianon, San Jacinto ng lalawigang ito dakong alas-11 ng tanghali.  

Sinabi ni Ramos na ang bangkang M/V Gloria 10 ay patungo sana sa pier ng Pilar ng mangyari ang insidente.

Nabatid na dakong alas-8 ng umaga ng umalis ang nasabing pampasaherong bangka sa pier ng Masbate at pagsapit sa bahagi ng na­sabing karagatan ay binalya ng malakas na alon hanggang sa lumubog ito.

Nang matanggap ang distress call ay mabilis namang nagresponde ang mga ele­mento ng Monreal Disaster Risk Reduction Management Office at Philippine Coast Guard at nasagip ang lahat ng pasahero at crew ng bangka.

Sinabi pa ng opisyal na ang mga nasagip ay isinakay sa M/V Marina Empress patungong Pilar, Sorsogon.

 

BRGY

CHIEF INSPECTOR RENATO RAMOS

MASBATE

MASBATE POLICE

MONREAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT OFFICE

PHILIPPINE COAST GUARD

POLICE COMMUNITY RELATIONS BRANCH

SAN JACINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with