^

Probinsiya

Karnaper sugatan sa engkuwentro ng pulis

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Sugatan ang isang karnaper makaraang maki­pagpalitan ito ng putok sa mga miyembro ng kapulisan sa Brgy. Calsadang bago 2, Imus City, kahapon ng madaling araw.

Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni Cavite PIO Insp Marites Julian ang suspek ay nakilalang si Alfred Velasco Jr., 28, ng Narra St., Camella 5, Pulang Lupa dos, Las Piñas City.

Nabatid kay Supt. Redrico Maranan, hepe ng Imus City police, bandang alas-4:30 ng madaling araw ng magsagawa ng follow up operation ang kanyang mga tauhan hinggil sa mga karnaper kung saan namataan ang suspek sa NIA Road ng nasabing lugar.

Nang maramdaman ng suspek na may mga pulis ay agad nitong pinaputukan ang mga operatiba na agad  namang gumanti at tinamaan ang suspek.           

Isinugod sa Kalayaan Hospital ang suspek na kasalukuyang ginagamot at nakumpiska mula rito ang isang improvised calibre .22 automatic hand gun at bala nito.

ALFRED VELASCO JR.

IMUS CITY

INSP MARITES JULIAN

KALAYAAN HOSPITAL

LAS PI

NARRA ST.

PULANG LUPA

REDRICO MARANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with