^

Probinsiya

P3.6-M ari-arian, sinunog

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines  - Tinatayang aabot sa P3.6 milyong halaga ng mga heavy equipment  ang sinunog ng mga armadong grupo matapos salakayin ang compound ng construction company  sa Purok Ramos, Barangay Upper Katungal, Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Junie Buenacosa, hepe ng Tacurong City PNP, nakasakay ng tatlong motorsiklo ang mga suspek na responsable sa pagsunog ng mga heavy equipment kabilang na ang dumptruck at backhoe na pagmamay-ari ng JY Construction. Naniniwala naman si Buenacosa na posibleng may kaugnayan sa extortion ang isa sa motibo ng mga suspek sa ginawang panununog ng mga ari-arian. Kasalukuyang inaalam pa ng pulisya kung nakatanggap ng extortion letter ang may-ari ng nasabing construction company.

vuukle comment

BARANGAY UPPER KATUNGAL

BUENACOSA

JUNIE BUENACOSA

KASALUKUYANG

NANINIWALA

PUROK RAMOS

SULTAN KUDARAT

TACURONG CITY

TINATAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with