Mayor, 4 pa kinasuhan
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pormal na sinampahan ng kasong murder ng Criminal Investigation and Detection Group (CDIG) ang Mayor ng Pamplona, Cagayan kasama ang apat pang iba kaugnay sa brutal na pagpatay sa kapatid na kagawad ng vice mayor noong Hulyo.
Kinasuhan sa tanggapan ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon sa Maynila si Mayor Aaron Sampaga na inakusahang utak sa pagpatay kay Kagawad Edmund Ifurong, kapatid ni Vice Mayor Edwin Ifurung.
Kabilang din sa kinasuhan ay sina ex -Army Cristopher Gatotos, Pastor Mark Anthony Flores, Roderick Unday, at si Arthymus Reynon.
Sa report ng pulisya, sumuko sina Gatotos at Flores matapos isiwalat ang sinasabing planong patahimikin sila ng nasabing alkalde.
Ayon sa CIDG, sina Unday at Reynon naman ang nagdala kina Gatotos at Flores sa Laoag City gamit ang Toyota Innova ng opisyal matapos patayin si Kagawad Ifurung sa Barangay Cabaggan noong Hulyo 3.
Sinabi ni Vice Mayor Ifurung na pulitika ang isa sa motibo sa pagkakapaslang sa kanyang kapatid at mayroon din siyang natatanggap na banta na siya ang isusunod na itutumba.
- Latest