^

Probinsiya

3 bangka lumubog: 12 nasagip, 21 nawawala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 12-katutubong Badjao ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Navy habang nasa 21 naman ang pinaghahanap makaraang lumubog ang tatlong bangka sa karagatan ng Sibutu Island sa Tawi-Tawi kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Captain Rowena Muyuela, spokesperson ng AFP Western Mindanao Command, kabilang sa na-rescue ay apat na bata at walong matandang Badjao  na dinala sa pagamutan. Kinilala ang mga nasagip na sina Fernando, 33; Masboy, 36; Alma, 35; Mussaidita, 34; Juwilna, 40; Rutima, 16; Persali, 6; Nursa, 4; at iba pa na may mga apelyidong Alimati.

Nabatid na binalya ng malalakas na alon ang bangkang sinasakyan ng mga katutubo kaya unti-unting lumubog bandang alas-6 ng gabi. Ang mga biktima ay patungong Sabah, Malaysia para magbenta ng isda nang mangyari ang insidente kung saan napagawi sa lugar ang M/V Savina ng Australia patungong China. Agad namang kinontak ng M/V Savina ang rescue team ng Phil. Navy kaya nasagip ang mga biktima.

Sa pahayag naman ni Myrna Angot, director ng OCD-ARMM, kabilang sa mga nawawala ay anim na bata na sina Misa Alimati, 3; Inda Sita Alimati, 2; Milnoy Alimati, 2; Biboy Alimati, 3; Damiha Alimati, 4; at si Diyansi Alimati, 2.

ALIMATI

BADJAO

BIBOY ALIMATI

CAPTAIN ROWENA MUYUELA

DAMIHA ALIMATI

DIYANSI ALIMATI

INDA SITA ALIMATI

MILNOY ALIMATI

V SAVINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with