^

Probinsiya

7 Tsino nasagip sa nasunog na bangka

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasagip ng rescue team ang pitong tripulanteng Tsino mula sa nasunog at lumubog na bangkang pangisda sa bahagi ng karagatang may ilang milya ang layo sa Mapun Island, Tawi-Tawi kahapon ng umaga­.

Sa ulat ng Office of Civil Defense-ARMM, dakong alas-7 ng umaga nang ma­iligtas ng Philippine Coast Guard na lulan ng F/B King and Queen sa pangunguna ni Captain Cipriano Enoy ang mga dayuhang ma­ngingisda.

Nabatid na sumiklab ang sunog sa bahagi ng bangkang pangisda  ng mga Tsino kaya nagkabutas hanggang sa pasukin ng tubig at tuluyang lumubog.

Nagkataong napagawi sa lugar ang mga nagpapatrulyang rescue team ng Coast Guard kaya na­sagip ang mga dayuhan na kasalukuyang nasa Puerto Princesa City sa Palawan para sa kaukulang dis­posisyon.

Samantala, nabigo namang makuha ang pa­ngalan ng mga dayuhang mangingisda dahil hindi marunong magsalita ng English at kailangan pa ng interpreter.

vuukle comment

B KING AND QUEEN

CAPTAIN CIPRIANO ENOY

COAST GUARD

MAPUN ISLAND

NABATID

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PHILIPPINE COAST GUARD

PUERTO PRINCESA CITY

TSINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with