^

Probinsiya

Encounter: Sundalo, amasona utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang isang sundalo at isang amasona makaraang magsagupa ang tropa ng militar at mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Barangay Lower Olave, bayan ng Buenavista, Agusan del Norte, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ni Captain Christian Uy, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division ang napaslang na sundalo na nakilala lamang sa apelyidong Pfc. Cortejo ng Scout Ranger Company. Kinilala naman ang amasona na si Jessa “Ka Rina” Lumandong na inabandona ng mga nagsitakas nitong kasamahan. Bago sumiklab ang bakbakan ay nagpapatrolya ang militar nang masabat ang mga armadong rebelde na humantong sa bakbakan. Samantala, dalawa rin ang mga nasugatan sa hanay ng mga rebelde sa nasabing bakbakan.  

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY LOWER OLAVE

BUENAVISTA

CAPTAIN CHRISTIAN UY

CORTEJO

INFANTRY DIVISION

KA RINA

KINILALA

NEW PEOPLE

SCOUT RANGER COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with