5 dedo sa karambola ng motorsiklo
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Lima-katao ang namatay habang dalawa naman ang malubhang nasugatan matapos magkarambola ang apat na motorsiklo sa magkahiwalay na sakuna sa Camarines Sur kahapon ng madaling araw.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Goa Municipal Infirmary Hospital ang mga biktimang sina Archie Bundag, 20; at Micahel Borado ng Barangay Payatan habang malubha naman si Ian Coralde, 19, na angkas sa motorsiklo ni Borado.
Sa police report, lumilitaw na nagsalpukan ang mga motorsiklo nina Bundag at Borado sa kahabaan ng highway sa Barangay Abucayan sa bayan ng Goa, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.
Samantala, namatay naman ang mag-amang Sanito Galang Jr, 44; at Santino Galang, 4, habang malubha ang misis na si Amy Galang, 38, makaraang makasalpukan ang motorsiklo ni Leonel Chavez na namatay din.
Naganap ang trahedya sa kahabaan ng KM10 sa Barangay Carolina, Naga City kamakalawa ng gabi.
- Latest