P1.8M shabu naharang sa Davao checkpoint
MANILA, Philippines – Tatlong katao ang timbog, kabilang ang isang empleyado ng gobyerno, matapos mahulihan ng P1.8 milyong halaga ng ilegal na droga, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Martes.
Nakilala ang mga suspek na sina Badrudin Langalen, 38; Sainudin Lidasan, 31, driver ng Department of Environment and Natural Resources-Autonomous Region in Muslim Mindanao (DENR-ARMM); at Abdulkarim Pingguiaman, 45.
Pawang mga taga Cotabato City ang mga suspek na kinilalang high-value targeted drug personalities.
Aabot sa 210 gramo ng shabu ang nasabat ng PDEA mula sa tatlong suspek nitong kamakalawa sa Sirawan, Toril, Davao City.
Dinala na ang mga nakumpiskang droga sa PDEA RO11 Laboratory Office para pag-aralan.
Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong pagabag ng Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest