^

Probinsiya

Pulis, misis nangholdap, arestado

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   — Sa halagang P6,100 mistulang itinaya ng 35-anyos na pulis ang kanyang dangal at trabaho kasama ang kanyang misis matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa panghoholdap sa may-ari ng skin care shop sa Barangay Macanaya, bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa.?

Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Mina Do­mingo, hepe ng Aparri PNP ang mag-asawang suspek na sina PO3 Arsenio Getalado Segundo Jr. ng National Capital Region Police Office; at Lamee Segundo, 34, kapwa nakatira sa Ba­rangay Ambatali, bayan ng Ramon, Isabela.?

Ang mag-asawa ay positibong kinilala ng biktimang si Arlene Seguie, 23, ng Barangay Macanaya sa nasabing bayan.

Lumilitaw sa police report, pinasok ng mag-asawa ang klinik ang biktima saka hinoldap bandang alas-3 ng hapon.

Nabatid sa ulat ng pulisya na tinakpan ang bibig ng biktima saka kinaladkad sa palikuran at doon ginulpi bago tumakas ang mag-asawa lulan ng kotseng may plakang BCK283.

Gayon pa man, mabilis na nakalabas ang biktima at humingi ng saklolo kaya nasakote ang mga suspek.

Nasamsam sa mag-asawa ang ilang drug paraphernalia, posas, PNP ID at cal. 9mm pistol.

 

vuukle comment

AMBATALI

APARRI

ARLENE SEGUIE

ARSENIO GETALADO SEGUNDO JR.

BARANGAY MACANAYA

CHIEF INSP

LAMEE SEGUNDO

MINA DO

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with