Jeepney driver inutas ng tandem
QUEZON, Philippines - Sabog ang ulo at namatay ang 40-anyos na jeepney driver matapos itong ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa Purok 7, Barangay Concepcion Palasan sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Edward Mallo, hepe ng Sariaya PNP ang biktima na si Mario Ricohermoso ng nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, papauwi na ang biktima kasama ang kabarong driver na si Jimmy Panganiban nang lapitan at pagbabarilin ng tandem ilang metro ang layo mula sa kanyang bahay. Hindi naman idinamay ang kasama ng biktima habang patuloy imbestigasyon.
- Latest