^

Probinsiya

2 nag-bomb joke sa pantalan, inaresto

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak kalaboso ang 40-anyos na misis ma­tapos itong arestuhin ng port police dahil sa pagbi­biro na may bombang sasabog mula sa kanyang bag na lumikha naman ng ma­tinding komosyon ng mga pasahero sa Pier 4 sa North Reclamation Area sa Cebu City, Cebu noong Martes ng gabi.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Charito Abao, tubong-Camiguin kung saan ipiniit sa Waterfront PNP Station.

Sa ulat na nakarating kay P/Inspector Evan Epe, hepe ng Intelligence and Investigation Section ng Cebu Port PNP, si Abao ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 (Anti-Bomb Joke Law).

Nabatid na si Abao ay isa sa mga pasahero ng barko na patungo sa bayan ng Hubangon, Camiguin kung saan bigla na lamang sumigaw na may bomba sa kanyang bag na sasabog anumang oras.

Lumikha naman ng ma­tinding pagkabulabog ang mga pasahero at agad namang humingi ng tulong sa mga awtoridad ang iba pang pasahero at itinuro ang suspek.

Dito na dinakma ng port police ang suspek kung saan naging negatibo at wala namang nakuhang bomba matapos dalhin sa presinto.

Samantala,  inaresto rin ng pulisya ang 24-anyos na pasaherong si Jimboy Feloche na patungong Leyte matapos itong mag-bomb joke sa Pier 3 noong Huwebes (Hulyo 31).

Iginiit naman ni Feloche na nasa impluwensya siya ng alak kaya nagbiro kung saan nakalaya ito ma­tapos maglagak ng P16,000 piyansa.

 

ABAO

ANTI-BOMB JOKE LAW

CAMIGUIN

CEBU CITY

CEBU PORT

CHARITO ABAO

INSPECTOR EVAN EPE

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SECTION

JIMBOY FELOCHE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with