Totoy patay sa gulpi ng nanay
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines - – Napatay ang 5-anyos na batang lalaki matapos itong gulpihin ng kanyang ina sa Barangay Linglingay, bayan ng Alicia, Isabela, ayon sa ulat kahapon.
Sa insiyal na imbestigasyon ni P/Insp. Mary Jane Dalumay, hepe ng Women and Children’s Protection Desk ng Alicia PNP, namatay ang biktima matapos pagmalupitan ng sariling ina na si Margie Layugan.
Nabatid sa naantalang police report, pinagpapalo at ginulpi ng ina ang kanyang bunsong anak na si Julio na sinasabing nasaksihan pa ng kanilang kapitbahay noong Miyerkules ng gabi (Hulyo 30).
Kinabukasan ay napansin ng kanilang kapitbahay na matamlay na ang bata at nagsusuka ng dugo kaya isinugod sa pagamutan.
Subalit binawian ng buhay ang bata dahil sa matinding pinsala sa katawan noong Biyernes (Agosto 1). Ayon sa pulisya, sinasabing tumangging makipag- coordinate ang mister ng suspek.
Hindi naman ikinulong ang suspek dahil wala pang mga medical at death certificates at iba pang dokumento habang kinasuhan naman ang pulisya ang suspek.
- Latest




















