^

Probinsiya

2 bulagta sa gang war

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang isang estudyante ang napatay sa naganap na madugong ang gang war sa Barangay San Nicolas, Lapaz District, Iloilo City, Iloilo kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Senior Inspector Edgar Anonoy, hepe ng Iloilo City PNP Station 2 ng mga biktimang sina John Ray Rapaza, 19, 4th year Criminology student, miyembro ng Psi Sigma Phi Gang; at Rainier Castillion na bagong graduate naman sa Philippine Electronics Institute.

“This is not a frat war, it’s more of a gang war etong mga grupo ng students ay may mga naka-mixed na out-of-school youth at mga sigang kanto boys,” ani Anonoy.

Sa imbestigasyon, naki­pag-inuman ang grupo ng mga biktima sa isang gang sa restaurant sa Lapaz District nang hamunin ng away ng Megan Nu Sigma Phi Gang.

Gayon pa man, hindi  pinatulan ng grupo ng mga biktima para  maiwasan ang kaguluhan pero habang naglalakad ang mga ito patungo sa kanilang boarding house ay sinundan at hinarang ng mga suspek saka kinuyog at pinagsasaksak.

Naisugod sa Iloilo Mission Hospital subalit idineklarang patay ni Dr. Jeff Prudente ang mga biktima matapos na kuyugin at pagsasaksakin ng mga miyembro ng gang.

Sa kasalukuyan ay sinusuri na ng pulisya ang CCTV footages upang matukoy at maaresto ang mga suspek.

vuukle comment

BARANGAY SAN NICOLAS

DR. JEFF PRUDENTE

ILOILO CITY

ILOILO MISSION HOSPITAL

JOHN RAY RAPAZA

LAPAZ DISTRICT

MEGAN NU SIGMA PHI GANG

PHILIPPINE ELECTRONICS INSTITUTE

PSI SIGMA PHI GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with