^

Probinsiya

Lider ng task force, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ang 62-anyos na team leader ng Anti Illegal Logging Task Force makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki ang nagbabantay sa checkpoint sa pampang ng Abuan River sa Barangay Villa Imelda, Ilagan City, Isabela kamakalawa.?

Kinilala ni P/Supt. Vicente Valdez, hepe ng Ilagan PNP ang biktima na si Alfredo Ilayat na dating chairman sa Barangay Cabisera 17-21 sa nasabing lungsod.?

Nabatid sa ulat ng pulisya, naiwang mag-isa ang biktima sa checkpoint habang ang kanyang mga tauhan ay nagsagawa ng operasyon laban sa illegal logging.

Nang bumalik ang mga tauhan ng nasabing task force sa checkpoint ay bumulaga sa kanila ang duguang katawan ng biktima.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 9mm pistol at ang shotgun na gamit ng biktima sa pagbabantay.

ABUAN RIVER

ALFREDO ILAYAT

ANTI ILLEGAL LOGGING TASK FORCE

BARANGAY CABISERA

BARANGAY VILLA IMELDA

ILAGAN

ILAGAN CITY

ISABELA

KINILALA

VICENTE VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with