^

Probinsiya

Miyembro ng Sputnik, itinumba

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines– Itinumba ang isang miyembro ng notor­yus na Sputnik Gang makaraang ratratin sa bahagi ng Barangay Baretbaet sa sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya, ayon sa ulat kahapon.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan sa biktimang may taas na 5’ 4”, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng shorts, T-shirt, sweater at may malaking tattoo na Sputnik Gang sa likuran ng katawan.

Una rito ay nakarinig ng apat na putok ng baril ang ilang residente na malapit sa crime scene kaya ipinaabot sa ilang opisyal ng barangay na dumulog naman sa pulisya.

Pitong bala ng baril ang tumapos sa buhay ng biktima na pinaniniwalaang pinatahimik ng kalabang grupo ng kalalakihan sa hindi nabatid na dahilan.

Samantala, nilinaw naman ng pulisya na ang biktima ay hindi isang Ifugao at walang kaugnayan sa mga naunang insidente ng pagpatay sa nasabing bayan.

vuukle comment

BAGABAG

BARANGAY BARETBAET

IFUGAO

ITINUMBA

KASALUKUYANG

NUEVA VIZCAYA

PITONG

SAMANTALA

SPUTNIK GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with