^

Probinsiya

Totoy pisak sa gumuhong bato

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Pisak ang ulo ng 10-anyos na totoy matapos itong mabagsakan ng malaking tipak na bato na bumigay matapos niyang tuntungan kasama ang dalawa pang kalaro sa Barangay Barbar, San Juan, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ni SPO1 Romulo Aguilar ang biktimang namatay na si Joseph Aquino III, Grade 3 sa Barbar Elementary School at nakatira sa nasabing barangay. Lumalabas sa imbestigasyon na nagtungo ang biktima kasama ang dalawang kaibigan sa gilid ng burol upang mamitas ng bunga ng punungkahoy at maglaro sa nasabing pook. Nabatid na bumigay mula sa kinalalagyan ng tinuntungan nilang malaking tipak na bato na gumulong-gulong pababa sa burol, ayon kay Aguilar. Mapalad na nakatalon ang dalawa pang kalaro habang sinawimpalad ang biktima na nadaganan ang ulo ng tinatayang may 500 kilong bato.

vuukle comment

AGUILAR

BARANGAY BARBAR

BARBAR ELEMENTARY SCHOOL

ILOCOS SUR

JOSEPH AQUINO

KINILALA

LUMALABAS

MAPALAD

ROMULO AGUILAR

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with