^

Probinsiya

Magkaibigan, itinumba habang nag-iinuman

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines - – Dead-on-arrival sa pagamutan ang matalik na magkaibigan, matapos na ito ay pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek habang ang dalawa ay masa­yang nag-iinuman  kamakalawa ng gabi sa Purok 7, Brgy. Masarawag, Guinobatan, Albay.

Nakilala ang mga biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital na sina Romeo Opiada, at Dante Ocbina, kapwa residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat na nakarating kay Senior Supt. Marlo Me­neses, Provincial Director na ang pamamaslang ay naganap dakong alas-7:25 ng gabi habang ang magkaibigan  ay masayang magkaharap  na nag-iinuman nang duma­ting ang hindi nakikilalang suspek  at walang sabi-sabing pagbabarilin nito si Romeo. Tinangka naman na isa pang biktima na awatin ang suspect gayunman, maging siya ay pinagbabaril din nito.

Nauna rito, ang biktimang si Romeo ay nagtungo sa isang tindahan sa kanilang barangay para bumili ng sigarilyo at naglakad pabalik sa kanilang bahay.

Nabatid na nakasalubong ng biktima ang hindi nakila­lang suspek na kung saan ang dalawa ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa umalis ang biktima at bumalik sa kanyang bahay upang ipagpatuloy ang pakiki­pag-inuman sa kanyang kaibigan na doon nga dumating ang suspek at pinagbabaril ang biktima kung saan nadamay pa nga ang kaibigan nito.

vuukle comment

ALBAY

BATAY

BRGY

DANTE OCBINA

JOSEFINA BELMONTE DURAN MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL

MARLO ME

PROVINCIAL DIRECTOR

ROMEO OPIADA

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with