Brgy. Chairman itinumba
NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang isang 57-anyos na Brgy. Chairman makaraang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan habang nagkakape sa terasa ng bahay ng kanilang ingat yaman sa Brgy. Sto Tomas, Aliaga ng lalawigan nitong Biyernes.
Idineklarang dead-on-arrival sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City ang biktimang si Rodrigo Miranda, Chairman sa Brgy. Sto. Tomas, Aliaga, sanhi ng mga tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Nagtamo naman ng tama ng ligaw na bala pero nguni’t nasa ligtas ng kalagayan ang magkapatid na sina Ramiro Damo, ingat yaman ng barangay, 54 anyos at Lauro Damo, nasugatan sa dibdib.
Sa imbestigasyon, bandang alas-10:30 ng umaga, nasa bahay ng tresurero si Miranda habang nagkakape ang mga ito nang biglang dumating ang kotseng Hyundai na walang plaka na sinasakyan ng mga salarin.
Bumaba sa behikulo ang mga suspek na nakasuot ng bonnet at armado ng armalite rifles at pinuntirya ng pamamaril si Miranda bago ang mga ito ay nagsitakas patungo sa direksyon ng Cabanatuan City. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaslang sa biktima ( Cristian Ryan Sta. Ana )
- Latest