Guro sinibak sa trabaho, nagbigti
CAVITE, Philippines - – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 31-anyos na Kano na sinasabing sinibak sa trabaho bilang guro matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Niog 2, Bacoor City, Cavite kamakalawa. Patay na nang datnan ng asawang Pinay na si Arlene ang kanyang mister na si Dustin Jacob Suchin, English teacher sa Hankuk University of Foreign Studies sa Pasig City at nakatira sa nabanggit na barangay. Napag-alamang bago maganap ang insidente ay sunud-sunod na nakatanggap ng text messages si Arlene mula sa kanyang mister. Bandang alas-2 ng hapon nang umuwi si Arlene mula sa pinapasukang call center kung saan bumungad sa kanya ang nakabiting biktima. Nabatid na naging desperado ang biktima matapos itong masibak sa trabaho at iniinda pa nito ang kinakaharap na kasong kriminal. Wala namang nakitang foul play ang pulisya sa naganap na insidente.
- Latest