^

Probinsiya

30 nalason sa birthday party

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 30 kabataan ang nalason makaraang kumain ng burger sa birthday party sa Sitio Punta, Barangay Bonbon, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dumalo ang mga biktima sa birthday party dahil sa ipinamimigay na libreng hamburger at juice.

Gayon pa man, ayon kay Ludvina Estose, ina ng isa sa mga batang biktima, ilang oras matapos na kumain at uminom ng juice ay nagsimulang sumama ang pakiramdam ng mga biktima kung saan isinugod sa J.R. Borja City Memorial Hospital.

Ilan sa mga biktima ay nakalabas na sa nasabing pagamutan habang marami pa ang patuloy na inoobserbahan.

Kasalukuyan namang sinusuri ng mga health official ang sample ng burger na kinain ng mga biktima.

Magugunita na nasa 100 residente naman sa Barangay Tablu, Tampakan, South Cotabato ang isinugod din sa pagamutan matapos na malason sa pagkaing nasa food packed sa general assembly noong Hunyo 27.

 

BARANGAY BONBON

BARANGAY TABLU

BORJA CITY MEMORIAL HOSPITAL

CAMP CRAME

GAYON

LUDVINA ESTOSE

MISAMIS ORIENTAL

ORO CITY

SITIO PUNTA

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with