^

Probinsiya

4 todas sa road mishap

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Apat-katao ang iniulat na namatay habang apat naman ang malubhang nasugatan sa naganap na road mishap sa Nueva Vizcaya kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Pocholo Mendoza, 42, ng Cabanatuan City, Nueva Ecija; mag-amang Jonathan Camba, 33, driver ng truck; Dan Nathaniel Camba, 7; at si Edmar Reyes, 22, mga nakatira sa Singsayon, Santiago City, Isabela.

Sugatan naman sina Tranquilino Sambu, 52, ng Cauayan City, Isabela; Daniel Esporma, 22, ng Cabanatuan City, Nueva Ecija; John Mark Maglente, 12; at si  Joshua Omacam, 12, kapwa nakatira sa Santiago City, Isabela.

Nabatid na mawalan ng control sa manibela ng truck (CCD 618) si Jonathan kaya bumangga ito sa waiting shed sa Barangay Balete sa bayan ng Diadi kung saan nakatayo naman ang mga biktimang sina Mendoza, Esporma at Rivera.

Tumilapon ang mga sakay ng truck kung saan sumabit pa sa talop na linya ng kuryente bago nagkikisay.

Agad na isinugod ang mga biktima sa pagamutan subalit idineklarang patay ang tatlong sakay ng truck kabilang na si Mendoza na unang natumbok ng trak habang nakatayo sa waiting shed.

 

vuukle comment

BARANGAY BALETE

CABANATUAN CITY

CAUAYAN CITY

DAN NATHANIEL CAMBA

DANIEL ESPORMA

EDMAR REYES

ISABELA

JOHN MARK MAGLENTE

NUEVA ECIJA

SANTIAGO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with