^

Probinsiya

Misis sinaksak ni mister, kritikal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabahiran ng dugo ang isang sayawan kaugnay ng selebrasyon ng piyesta matapos tarakan sa dibdib ng isang mister ang sarili nitong misis bunga ng matinding selos sa Brgy. Dahican, Carrascal, Surigao del Sur kamakalawa.

 Agaw buhay sa Madrid District Hospital ang biktimang  si Marie Buo Ruperes sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kanang bahagi ng kaniyang dibdib.

Arestado naman ang suspek na si Redante Ruperes, 37 anyos matapos makorner ng mga nagrespondeng awtoridad.

 Sinabi ni Supt.Romaldo Bayting, Spokesman ng Police Regional Office (PRO)13,  naganap ang insidente sa gymnasium ng Brgy. Dahican, Carasscal ng lalawigang ito dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Sa imbestigasyon, namiyesta ang ginang kasama ang isang lalaki sa lugar at iniwan sa kanilang tahanan ang lima nitong paslit na anak bagay na matinding ikinagalit ng mister nito na sinundan ang misis sa sayawan at sinaksak sa dibdib.

vuukle comment

AGAW

ARESTADO

BRGY

CARASSCAL

DAHICAN

MADRID DISTRICT HOSPITAL

MARIE BUO RUPERES

POLICE REGIONAL OFFICE

REDANTE RUPERES

ROMALDO BAYTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with