^

Probinsiya

3 patay sa road mishap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinarit ni kamatayan ang tatlo katao makaraang aksidenteng bumangga sa punong kahoy sa tabi ng highway ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa Brgy. Baracca, Villasis, Pangasinan kamakalawa.

Nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang mga biktimang sina Roy Baldim, menor de edad, driver ng motorsiklo at ang backriders nitong sina Rey Ventura at Lester Lasiste, pawang mga residente sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ni Pangasinan Police Director P/Sr. Supt. Sterling Blanco, bumangga ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima sa puno ng akasya sa tabi ng highway sa nasabing barangay.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima sa loob ng malaking imburnal sa lugar na pawang nasawi noon din sa insidente.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na nasa impluwensya ng alak ang mga biktima ng mangyari ang trahedya.

vuukle comment

BARACCA

BRGY

KINARIT

LESTER LASISTE

LUMILITAW

PANGASINAN POLICE DIRECTOR P

REY VENTURA

ROY BALDIM

SR. SUPT

STERLING BLANCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with