3 sunog sumiklab sa Batangas
BATANGAS, Philippines - – Patay ang isang 60-anyos na lolo nang makulong sa nasusunog na bahay sa naganap na magkakahiwalay na sunog sa lalawigan ng Batangas kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Batangas PNP director ang namatay na may kapansanan na si Nestor Bautista ng Purok 5B, Barangay Sta. Clara, Batangas City.
Bandang alas-3:10 ng hapon nang lamunin ng apoy ang bahay ng mag-asawang Exequiel at Maria dahil sa sinasabing naiwanang electric fan na nakakabit sa kuryente.
Umabot sa 20- kabahayan ng mga informal settlers at limang klasrum sa Sta. Clara Elementary School ang niÂlamon ng apoy.
Nang mag-clearing opeÂration sina SFO2 Santo De Castro ng Batangas City Fire Station, natagpuan ang sunog na katawan ni Bautista sa loob ng kanyang kuwarto bandang alas-7 ng gabi.
Samantala, bago masunog ang bahay ng mga Bautista, unang nasunog ang bahay ni Susan Dagatan sa Barangay Cuta, Batangas City bandang alas-12:45 ng hapon.
Naapula ang sunog bandang alauna ng hapon kung saan sinasabing nagsimula ang apoy sa kusina.
Nasunog naman ang junk shop na pag-aari ni Janus Cubilla, 37, ng Barangay BalinÂtawak, Lipa City, Batangas bandang alas-3 ng hapon.
Nagsimula ang sunog sa tabi ng barracks ng mga trabahador ng South Oro Junk Shop kung saan naapula naman bandang alas-3:45 ng hapon matapos rumesponde ang pangkat ni F/Senior Insp. Von Ferdinand Nicasio.
- Latest