Sanggol itinapon sa basurahan
CAMARINES NORTE, Philippines – Isang patay na bagong paÂnganak na sanggol ang walang awang itinapon sa basurahan ng walang puso nitong ina ang natagpuan ng isang matandang basurera sa Sta Elena, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.
Ayon kay Chief Inspector Martin Ngadao, hepe ng pulisya rito, dakong alas-8 ng umaga ng madiskubre ni Julieta Manzano, 73-anyos ang sanggol.
Sa salaysay ni Manzano kasalukuyan siyang nagkakalkal ng mga plastic na maaring ibenta sa basurahan ng Paris King Restaurant sa Sitio Bagayawa Brgy. Tabugoin sa bayang ito ng magulantang sa natagpuang sanggol na nakasilid sa kulay puting plastic.
Sa imbestigasyon, bago natagpuan ang patay na sanggol dakong alas-3 ng madaling araw ay isang kulay maroon na Mitsubishi Montero ang pumarada sa lugar lulan ang tatlong babae at isang lalaki.
Isa sa mga babae ang umiiyak umano at nagtatanong kung saan may malapit na hospital na hinihinalang ina ng itinapong sanggol.
- Latest