^

Probinsiya

CPP-NPA Secretary timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang pinaghihinalaang Communist Party of the Philip­pines-Secretary (CPP-NPA) sa isinagawang ope­rasyon sa Brgy. San Roque, Tampakan, South Cotabato nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Captain Alberto Caber, Spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Command ang nasakoteng opisyal ng mga rebelde na si Felix Armodia alyas Ka Jing /Jade, CPP-NPA Front Secretary, wanted sa kasong murder, illegal detention, robbery with violence at iba pa.

Ayon kay Caber ang grupo ni Armodia ay aktibong nag-o-operate sa talamak na pangongotong sa mga negos­yante at residente sa mga lalawigan ng Davao del Sur, South Cotabato at Tulunan, North Cotabato. 

Bandang alas-12:45 ng hapon nang masakote ng tropa ng Philippine Army at ng pulisya ang suspek sa Brgy. San Roque, Tampakan ng lalawigang ito matapos na i-tip ng isang informer.

Sinabi ni Caber na  ang grupo rin ni Armodia ang responsable sa serye ng mga pag-atake sa mga plantasyon at construction firms sa Central Mindanao na nagma­matigas magbayad ng revolutionary tax sa NPA movement. 

 

ARMODIA

BRGY

CAPTAIN ALBERTO CABER

CENTRAL MINDANAO

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIP

EASTERN MINDANAO COMMAND

FELIX ARMODIA

FRONT SECRETARY

SAN ROQUE

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with