NPA ambush 6 sundalo bulagta, 15 pa sugatan
TUGUEGARAO CITY, Philippines - – Anim na tauhan ng Army ang bumulagta, samantalang 15 pa sa kanilang mga kasamahan ang sugatan sa dalawang magkakasunod na araw na ambush na isinagawa ng mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Daing, Brgy Remedios, Cervantes at Brgy. Malideg, Quirino sa lalawigan ng Ilocos Sur simula noong Huwebes hanggang kahapon).
Nakilala ang mga nasawi sa Bayan ng Cervantes na sina Cpl. Edward Ryan Pingel, Pfc Ralph Henry BaluÂngot at Pfc. Joey Albert Alejandro na kasapi ng 50th Army Infantry Battalion na naka-base sa nasabing lugar.
Sugatan naman sina Pfc. Arnel Parungao at Pfc. Rommel Pilien na dinisarmahan pa ng isang cal.45 pistol.
Ayon kay Supt. Feliciano Gubatan, Ilocos Sur Deputy Provincial Director for Operation, nagsasalok ng tubig para sa kanilang kampo ang mga sundalo ng naganap ang pananambang na isinagawa ng pinaniniwalaang kasapi ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) Montes ng NPA na may opeÂrasyon sa katabing lalawigan ng Mountain Province.
Sa kalapit bayan ng Quirino, tatlong sundalo mula sa parehong yunit ng Army ang namatay samatalang, 13 sa kanilang kasamahan ang sugatan nang tambaÂngan ang kanilang convoy sa bulubunduking Brgy. ng Malideg.
Sinabi ni Gubatan sa PSN na galing sa isang medical mission sa Tubo, Abra ang mga sundalo nang abangan ng mga rebelde. Hindi pa agad nakuha ang mga pangalan ng casualties dagdag ni Gubatan.
Ayon kay Gubatan; nag deploy ng puwersa ang Police Public Safety Battalion at Company ng Ilocos sur upang harangin ang mga nagsi atrasang rebelde sa boundary ng Ilocos sur at Abra.
- Latest