^

Probinsiya

8 karnaper tiklo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang 8 pi­naghihinalaang notoryus na karnapper matapos na maaktuhang nagtsa-chopchop ng sasakyan sa isinagawang followup operation sa Andrea Village, Brgy. Panapaan 5, Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Froilan Espineda, 35; Randy Villoria, 23 ; Ringo Mateo, 29; Roland Baguio, 43; Christophe Bass, 32; Melvin Baguio, 28; Jomari Carandang, 19; at Melchor Maurillo, 48; pawang mga residente ng Bacoor City.

Sa nakalap na report sa tanggapan ni Sr. Supt. Joselito Esquivel, Provincial Director ng Cavite Police, isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng negosyanteng si Rodel Mascardo, 49, ng Brgy. Salinas 1 ng nasabi ring lungsod na nabiktima ng mga suspek.

Nabatid na tinangay umano ng isang nagngangalang Francisco Salvador Jr., ang kulay puting Ford Everest (TIS 167) dakong ala-1:30 ng madaling-araw.

Ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek pero nakatakas ang kasamahan ng mga itong si Salvador. Nakita rin sa lugar ang ilang mga sa­sakyang napaulat na kinarnap at tsinap-chop na ng mga suspek.

 

vuukle comment

ANDREA VILLAGE

BACOOR CITY

BRGY

CAVITE POLICE

CHRISTOPHE BASS

FORD EVEREST

FRANCISCO SALVADOR JR.

FROILAN ESPINEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with