Sugatang agila, ginamot ng Phil Army itinurnover sa DENR
MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit apat na buwan nang gamutin at alagaan ng Philippine Army ang isang sugatang agila na nahuli sa kabundukan ng Pinabacdao, Sta. Rita, Samar, itiÂnurnover na ito sa kustodya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ayon sa opisyal kahapon.
Sinabi ni Captain Amado Gutierrez, Spokesman ng Army’s 8th Infantry Division, ilang araw matapos pumasok ang Semana Santa ay itinurnover na ang agila sa DENR sa ginanap na seremonya sa himpilan ng Army’s 8th Infantry Battalion (IB) sa Brgy. Polangi, Calbiga ng lalawigan.
Ayon kay Gutierrez, ang nasabing agila na tinatayang nasa 5 buwan pa lamang ay sugatang nahuli ng mga sundalo ng Army’s 8th IB matapos itong masugatan sa pananalasa ng superbagyong Yolanda sa Eastern Visayas noong Nobyembre ng nakalipas na taon.
Nabatid na ilang linggo matapos na lumpuhin ni Yolanda ang nasabing rehiyon partikular na ang Leyte at Samar ay natagpuan ang isang sisinghap-singhap na agila sanhi ng tinamong sugat sa lupit ng kalikasan.
Hinuli naman ito ng mga sundalo, ginamot at inaÂlagaan sa kanilang himpilan dahilan kabilang ito sa mga ‘endangered species’ sa kagubatan na dapat alagaan at pagyamanin.
Ang agila na pinangalanang Murayaw na ang ibig sabihin ay ‘Kapayapaan’ ay pormal na itinurnover matapos na sumigla at manumbalik na ang lakas nina 8th ID Commander Major Gen. Jet Velarmino at Lt. Col. Antonio Dulnuan, Commanding Officer ng 87th IB kay Ginoong Danilo Javier, DENR Regional Technical Director, Protected Area, Wildlife and Coastal Zone Management Service na nakabase sa Tacloban City.
- Latest