^

Probinsiya

DPWH official, mister todas sa ambus

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang opisyal ng lokal na tanggapan ng Deparment of Public Works and Highways (DPWH) at mister nito matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang nag-iisang armadong salarin sa Tagum City, Davao del Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jovita Santiago, 48 anyos at mister nitong si Samuel Santiago, 46, kapwa inhinyero at naninirahan sa Lynville Subdivision, Brgy, Mankilam ng lungsod.

Ang Ginang ay nagtratrabaho bilang hepe ng District Office ng DPWH na nakabase sa Nabunturan, Compostela Valley habang ang kanyang mister ay empleyado ng nasabi ring tanggapan.

Sa ulat ni Tagum City Police Director P/Supt Solomon de Castilla, naganap ang insidente  sa harapan ng tahanan ng mag-asawa sa lungsod dakong alas-6:40 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon kararating lamang ng mag-asawa sa kanilang tahanan mula sa district na tanggapan ng DPWH sa Nabunturan, Compostela Valley kung saan lulan ang mga ito ng L 300 van dakong alas- 6:40 ng gabi nang biglang sumulpot ang armadong salarin. Bigla na lamang umanong pinagbabaril ng suspek ang mag-asawa kung saan pinuruhan ang Ginang na nagtitili pa sa paghingi ng tulong bago tuluyang pinatay kasama ang mister.

Ayon sa isang testigo, nakita pa niya ang suspek na may kinuhang dokumento sa sasakyan ng mga biktima bago tumakas patungo sa hindi malamang destinasyon.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng kalibre .45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.

ANG GINANG

AYON

COMPOSTELA VALLEY

DEPARMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DISTRICT OFFICE

JOVITA SANTIAGO

LYNVILLE SUBDIVISION

NABUNTURAN

SAMUEL SANTIAGO

SUPT SOLOMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with