^

Probinsiya

AFP vs Abu: 20 sundalo sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 20-sundalo ang nasugatan makaraang makasagupa ang mga bandidong Abu Sayyaf  Group sa inilunsad na strike  operation sa mga bayan ng  Tipo-Tipo  at Ungkaya Pukan, Basilan kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Captain Jefferson Mamauag, spokesperson ng Army’s 1st Infantry Division, nakasagupa ng Army’s 104th Infantry Brigade ang mga bandido sa liblib na bahagi ng Sitio Pansul, Brgy. Silongkum sa bayan ng Tipo-Tipo.

Bandang alas-7:25 naman ng umaga nang muling makasagupa ng mga sundalo ang mga bandido sa pamumuno nina Basir Kaguran at Nurhassan Jamiri sa Barangay Baguindan, bayan ng Ungkaya Pukan.

 Gayon pa man, tatlo sa tropa ng mga sundalo ay nagtamo ng tama ng bala habang 17 naman ang nasugatan dahil sa shrapnel sa palitan ng putok.

Sa kabuuang 20 sugatang sundalo, 14 ang inilipad ng UH-IH helicopter ng Philippine Air Force sa Camp Navarro Hospital sa Zamboanga City.

Pinaniniwalaan namang marami rin ang nalagas at nasugatan sa hanay ng mga nagsitakas na bandido.

vuukle comment

ABU SAYYAF

BARANGAY BAGUINDAN

BASIR KAGURAN

CAMP NAVARRO HOSPITAL

CAPTAIN JEFFERSON MAMAUAG

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

NURHASSAN JAMIRI

UNGKAYA PUKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with