Drug pusher utas sa Cotabato
MANILA, Philippines – Patay sa buy-bust operation ang isang hinihinalang tulak ng droga sa North Cotabato, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency ngayong Huwebes.
Nakilala ang suspek na si Berwil Carlos ng Barangay Balogo, Pigcawayan, North Cotabato.
"Carlos is a high-value target drug personality in the province of North Cotabato," wika ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr.
Nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng PDEA Regional Office 12 at PDEA Autonomous Region in Muslim Mindanao noong Abril 4 bandang alas-11 ng umaga sa Barangay Balogo, Pigcawayan, North Cotabato.
Matapos iabot ni Carlos sa undercover agent ang ilegal na droga, kaagad pumasok sa eksena ang mga awtoridad.
Ngunit imbis na sumuko ay nagpaputok ang suspek dahilan upang sumagot ang mga awtoridad.
Kaagad isinugod si Carlos sa Mount of Blessing Hospital, Libungan, North Cotabato matapos matamo ng tama ng bala sa katawan.
Hindi naman umabot ng buhay ang suspek.
Nabawi mula kay Carlos ang walong pakete ng shabu, iba’t ibang drug paraphernalia, Colt caliber .45 pistol, at P100 ginamit bilagn marked money.
Bukod sa pagbebenta ng ilegal na droga ay may nakalabas na arrest warrant kay Carlos para sa kasong car theft.
- Latest