Tandem patay sa shootout
BULACAN , Philippines — Dalawang armadong lalaki na lulan ng motorsiklo ang napatay matapos makipagbarilan sa mga opeÂratiba ng pulisya sa Barangay Tibagan, bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng dalawa matapos na walang makuhang anumang identification card kung saan inilarawan lamang na naka puting t-shirt at itim na short pants ang isa habang nakasuot naman ng pulang t-shirt at puting short pants ang kasama nito. Sa ulat nina P/Chief Insp. Reynaldo Magdaluyo ng CIDT-Bulacan at P/Supt. Leon Victor Rosete ng Provincial Intelligence Branch, namataan ang dalawa na lulan ng motorsiklong walang plaka. Gayon pa man, tinangkang sitahin ng mga pulis subalit nanlaban kaya nauwi sa shootout. Narekober ang cal. 45 pistol, cal. 38 revolver, granada, sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, 17-sachet ng marijuana at motorsiklo.
- Latest

















