^

Probinsiya

Manager tiklo sa pagnanakaw

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - - Inaresto ng mga awtoridad ang 41-anyos na manager ng pawnshop matapos na ireklamo ng pang-uumit ng P1.1 milyong na koleksyon ng kanilang kompanya kamakalawa ng umaga sa Barangay Pob­lacion, Tayabas City, Quezon. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Marygrace Hugo, may-asawa, ng Lita Subdivision at branch manager ng Michel Lhuiller Financial Services (pawnshop) Inc. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng umaga ay nagsagawa ng sorpresang pag-a-audit sa nasabing sanglaan ang field auditor na sina Roberto Palines at Estelita Macalibo kung saan natuklasan na kulang ng malaking halaga ang collection money. Sa pagsisiyasat ay nabatid na kinuha ng suspek ang P1.1 milyon sa safety vault noong March 31, 2014.

vuukle comment

AYON

BARANGAY POB

ESTELITA MACALIBO

INARESTO

LITA SUBDIVISION

MARYGRACE HUGO

MICHEL LHUILLER FINANCIAL SERVICES

PORMAL

ROBERTO PALINES

TAYABAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with