^

Probinsiya

Sanggol itinapon ng disgrasyadang ina

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bagong silang na sanggol na babae ang itinapon ng disgrasyada nitong ina sa bakanteng lote sa Barangay Canelar, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Zamboanga City PNP na isinumite sa Camp Crame, bandang alas-4:30 ng hapon nang madiskubre ang sanggol sa bakanteng lote.

Natukoy naman na isang Janine Marie Quinquito, 19,  ang sinasabing nagtapon sa bagong silang nitong sanggol.

Nabatid na isinilang ni Quinquito ang sanggol noong Linggo ng umaga (Marso 30) sa boarding house nito.

Hindi umano alam ng mga magulang ni Quinquito na nabuntis at iniwan ito ng kaniyang nobyo kaya hindi ito makauwi.

Ayon pa sa ulat, suma­kay si Quinquito sa traysikel bitbit ang sanggol saka nagpahintay sa driver matapos itong magtungo sa bakanteng lote para itapon ang bagong silang na anak.

Gayon pa man, napansin ng driver ng trike na wala ng sanggol na bitbit ng kaniyang pasahero nang ihatid ito sa boarding house kaya bumalik ito sa bakanteng lote kung saan ito nagpahatid at dito’y nakitang itinapon ang sanggol.

Samantala, agad namang dinala ang sanggol sa Zamboanga City Medical Center habang ang ina nito ay naka-confine rin sa pagamutan dahil inaapoy ito ng lagnat at hindi maampat ang pagdurugo.

vuukle comment

AYON

BARANGAY CANELAR

CAMP CRAME

GAYON

JANINE MARIE QUINQUITO

QUINQUITO

SANGGOL

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with