^

Probinsiya

Nene nabaril ng ama, kritikal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ngayon ang 7-anyos na nene makaraang mabaril ng sarili nitong ama sa bayan ng Moises Padilla, Negros Occidental kama­kalawa. Sa ulat ni P/Senior Insp. Edfil Balibadlan, hepe ng Moises Padilla PNP, kinilala ang biktima na si Jovelyn Valenzuela, nagtamo ng tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan na naglagos sa kidney. Nahaharap naman sa kasong kriminal ang ama nitong si Joselito Valenzuela, 44, ng Brgy. Inolingan sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon, bandang alas-6 ng gabi nang umuwing  senglot ang suspek kung saan nakasagutan nito ang kaniyang misis at bayaw. Nauwi sa mainitang pagtatalo ang tatlo kung saan bigla na lamang kumuha ng baril ang nairitang suspek at nagpaputok. Minalas namang tamaan ang anak nito na noo’y nag­lalaro.

vuukle comment

AGAW

BRGY

EDFIL BALIBADLAN

INOLINGAN

JOSELITO VALENZUELA

JOVELYN VALENZUELA

MOISES PADILLA

NEGROS OCCIDENTAL

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with