^

Probinsiya

P10-M pondo sa pekeng NGO?

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  - Hinihingan ng paliwanag ng Bulacan Alliance Against Graft and Corruption (BAAGAC) si Bulacan Congresswoman Marivic Alvarado sa umano’y paglalagak nito ng kanyang P10 milyon pork barrel sa sinasabing pekeng non-government organization.

Ayon sa nasabing grupo na higit  na marami sanang mamamayang Bulakenyo ang mabibiyayaan kung ginugol ni Rep. Alvarado, asawa ng kasalukuyang gobernador ng Bulacan sa mga proyektong kapakipakinabang sa halip na sa Kaisa’t Kaagapay Mo Foundation na sinasabing kaduda-dudang organisasyon. 

Nagtatanong ang pamunuan ng BAAGAC kung hindi alam ng kongresista na peke ang NGO, bakit anya hindi muna ito busisiin bago nagbigay ng pondo.

Umaasa ang mga Bula­kenyo na ginugugol ng kanilang kongresista ang pondo sa tamang pagkakagastusan at hindi kung saan lamang napupunta.

Dapat din na tukuyin ni Rep. Alvarado kung sino ang nagrekomenda sa kanya ng nasabing foundation kaya pinondohan nito ng mala­king halaga.

 

ALVARADO

AYON

BULA

BULACAN

BULACAN ALLIANCE AGAINST GRAFT AND CORRUPTION

BULACAN CONGRESSWOMAN MARIVIC ALVARADO

BULAKENYO

DAPAT

KAAGAPAY MO FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with