2 dedo sa pamamaril
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang napatay habang kritikal naman ang 48-anyos na municipal councilor matapos silang ratratin ng mga kaalitan sa sayawan ng isang kasalan sa Barangay Taribubu, bayan ng Tuao, Cagayan kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga napatay na sina Leonard Lindo, 43, negosyante; at Roldan Bunuan, 27, magsasaka habang kritikal naman si Councilor Arthur Taguiam, pawang nakatira sa nasabing bayan. Samantala, tinutugis ng pulisya ang mga suspek na sina Sonny Llamarca, Edgar Culili, Nestor Lazatin, at si Rodrigo Lazatin.Sa ulat na ipinalabas ng pulisya, umiihi ang tatlo nang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek na sinasabing nakaaway sa isang kasalan. Hindi na umabot ng buhay sa Tuao District Hospital ang dalawang kasama ng konsehal na noon ay kaharap nito sa inuman bago naganap ang pamamaril.
- Latest