^

Probinsiya

Lover ni misis inutas ng mister

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 36-anyos na magsasaka matapos gulpihin ng kainumang mister na inakalang lover ng kanyang misis sa Barangay Mambacag, bayan ng Tuao, Cagayan kamaka­lawa.

Sa ulat na ipinalabas ni P/Senior Insp. Manuel Viloria, hepe ng Tuao PNP, pagod at gutom na umuwi ang suspek na si Benigno Panti nang hindi nito nadatnan ang kanyang misis na si Milagros sa kanilang bahay sa Barangay Lallayug.

Gayon pa man, namataan ng suspek ang biktimang si Rolando Ole na umiihi sa kusina ng bahay ng kanyang anak na babae kaya pinagbalingang gulpihin  hanggang sa mapatay.

Nabatid na inakala ng suspek na lover ng kanyang misis ang biktima kaya isinagawa ang krimen.

Nabatid din na isinakay ng suspek ang bangkay ng biktima sa motorsiklo saka iniwan sa bahagi ng Brgy. Villalaida kung saan namataan naman siya ng testigong si Willy Tumanguil na nagsumbong naman sa pulisya.


 

BARANGAY LALLAYUG

BARANGAY MAMBACAG

BENIGNO PANTI

MANUEL VILORIA

NABATID

ROLANDO OLE

SENIOR INSP

TUAO

WILLY TUMANGUIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with