^

Probinsiya

Bus vs bus: 4 patay, 33 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat -katao ang namatay habang 33-naman ang na­sugatan ng makabanggaan ng pampasaherong bus ang kasalubong nitong mini bus sa national highway ng Sitio Ipil, Brgy. Pilar, Hinigaran, Negros Occidental nitong Martes ng umaga.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Milko Lirazan, Negros Occidental PNP director, kinilala ang mga namatay na sina Wilma Medalla, 23, 3-buwang buntis; Claudio Lowell Janolino, 35, konduktor ng mini-bus; Henry Pendon, 52; at isa pang lalaki na hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan.

Samantala, labing-apat na sugatan ay isinugod sa Hinigaran Medical Clinic at ang iba naman ay sa pagamutan sa Bacolod City kung saan walo ang nasa malubhang kalagayan.

Sa inisyal na ulat, naganap ang banggaan ng Ceres bus (body number 541) na minamaneho ni Jonathan Maghari, 54; at Double Tire mini-bus na minamaneho naman ni Rufino Banga, 55, sa kahabaan ng nasabing highway dakong alas-10:30 ng umaga.

Ang Ceres bus ay patungong Bacolod City habang patungo naman sa Kabankalan City ang kasalubong nitong mini bus ng mangyari ang sakuna.

Isinailalim na sa kus­todya ng pulisya ang dalawang driver ng bus na kapwa nagtamo rin ng bahagyang sugat sa katawan.

ANG CERES

BACOLOD CITY

BUS

CLAUDIO LOWELL JANOLINO

DOUBLE TIRE

HENRY PENDON

HINIGARAN MEDICAL CLINIC

JONATHAN MAGHARI

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with