^

Probinsiya

3 patay sa clan war

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang napatay habang isa naman ang malubhang nasugatan matapos sumiklab ang clan war sa bayan ng Tipu-Tipo, Basilan kamakalawa ng umaga. Kinilala ni Captain Jefferson Mamauag, spokesman ng Army’s 1st Infantry Division ang mga biktima na sina Halim Randa, 18; Hadji Alih Ibrahim, 38; at si Amir Saribin, 21. Isinugod naman sa pagamutan sa Isabela City ang sugatang si Haber Cuevas. Bandang alas-7:30 ng umaga nang tambangan ng mga armadong kalalakihan ang mga biktima na kalabang angkan habang lulan ng jeepney sa Barangay Bohe Lebbung habang patungo ang mga ito sa Lamitan City. Samantala, nag-deploy na ng tropa ang militar upang maiwasan ang posible pang pagsiklab ng kaguluhan.

vuukle comment

AMIR SARIBIN

BANDANG

BARANGAY BOHE LEBBUNG

CAPTAIN JEFFERSON MAMAUAG

HABER CUEVAS

HADJI ALIH IBRAHIM

HALIM RANDA

INFANTRY DIVISION

ISABELA CITY

LAMITAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with